Luke 10:13-15
Babala sa mga Bayang Hindi Nagsisisi
(Mat. 11:20-24)
13 Sinabi pa ni Jesus, “Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tyre at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo ▼▼naglagay ng abo sa kanilang ulo: o, naupo sa abo.
 para ipakita ang pagsisisi nila.  14Kaya sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tyre at taga-Sidon.  15At kayo namang mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo kahit sa langit. Pero ihuhulog kayo sa lugar ng mga patay!” 
    Copyright information for
    TglASD
 
