‏ Exodus 40:34-38

Ang Makapangyarihang Presensya ng Panginoon

(Bil. 9:15-23)

34Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Toldang Tipanan
Toldang Tipanan: o tinatawag din na Toldang Sambahan.
ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap.
35Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyong ulap.

36Kapag pumaitaas ang ulap mula sa Tolda at umalis, umaalis din ang mga Israelita sa pinagkakampuhan nila. 37Pero kung hindi, hindi rin sila umaalis. 38Ang ulap na sumisimbolo sa presensya ng Panginoon ay nasa itaas ng Tolda kapag araw, at nag-aapoy naman ito kapag gabi para makita ng lahat ng Israelita habang naglalakbay sila.

Copyright information for TglASD
The selected Bible will not be clickable as it does not support the Vocabulary feature. The vocabulary is available by hovering over the verse number.

Everyone uses cookies. We do too! Cookies are little bits of information stored on your computer which help us give you a better experience. You can find out more by reading the STEPBible cookie policy.